By Ruth T. Rodriguez

IN LOVE na in love diumano ang mega-daughter na si KC Concepcion sa ganda ng mga beaches sa Calamianes Islands Group, lalo na sa bayan ng Coron, kung saan siya at si Richard Gutierrez ay nag-shooting ng bago nilang pelikula na When I Met U.

Pagbalik daw ni KC sa Maynila ay wala siyang ibang bukang-bibig sa mga kaibigan kung hindi ang subukang pumunta ng Palawan dahil sa sobrang ganda ng mga beach nito.

This is because KC is a beach person like her dad Gabby. She likes the beach so much that’s why parati siya sa Boracay. Ngayon daw ay may bago ng beach destination si KC at iyan ay ang Palawan.

Balitang-balita din na nag-enjoy ng husto sa Coron ang kanyang leading man na si Richard dahil sa maging ito ay sige rin ang pagyayaya sa mga kaibigan. My goodness, Coron palang iyan. Paano na kung sa El Nido siya nag-punta? Maloka kaya siya?

Ok na si Angel at Luis

All’s well that ends well. Finally, hindi na dapat mag-worry ang mga Luis-Angel fans dahil sa ok na ang kanilang mga idolo. Naayos na nina Angel at Luis ang kanilang hindi pagkakaunawaan matapos maka-balik ng mga ito mula sa pagbabakasyon sa Macau.

Angel clarified on PEP na walang third party na involved sa muntik ng pagkakadiskaril ng kanyang relationship with Luis. Ang bahay sa White Plains na napapabalitang iniregalo sa kanya ng isang benefactor na DOM ay kanyang pagod at hirap diumano at hindi nag-mula sa kung kanino man.

Para patunayan ito, inimbita pa niya ang mga press people na pumunta sa blessing ng kanyang bahay sa White Plains. Ay, bongga!

Para diumano hindi na putaktiin ng intriga ang kanilang relationship, both of them agreed na i-keep private ito para di maapektuhan.

By Ruth T. Rodriguez

MALUNGKOT NA balita. Nabigo ang pelikula ni Angga Garcia na Ploning in its bid to be among the nine films na mag-qualify sa Oscar this year, under the Best Foreign Film Language. Ito ay according to the Academy of Motion Pictures and Science.

Sa website ng Philippine Entertainment Portal lumabas ang chika na nakuha naman sa isang website. Sayang naman! We know the movie deserves to be included, but the judges have decided.

Anyway, hindi man ito nangyari, things have happened to Juday and Angga Garcia. She won P1 million from Deal or No Deal, dib a? And si Angga naman has won an award na.

We’re still proud of Ploning despite this sad news.

Besides, Juday is “no regrets” because she did everything naman for Ploning. Hindi biro ang mga pinagdaanan nilang fundraising just to raise the money they need.

Karylle on Echo and Christian

O, sabi nga, when a door closes, a window is opened… tama bang equation ito sa nangyayari sa buhay pag-ibig ni K? Naiipit ng intriga ngayon si Karylle, ang lovely daughter ni Ms. Zsazsa dahil sa ito raw ngayon ang apple of the eyes nina Jericho Rosales at Christian Bautista.

Kamakailan nga daw ay nakita itong si K na kasama si Christian in watching The Curious Case of Benjamin Button, samantalang si Echo naman at siya daw ay consistent ang pag-te-text together.

So, what’s the fuss all about? Eh, hindi ba puwedeng bumuo ulit ng love life si Karylle for herself? Pero nilinaw na ni K ang mga issue. According to her, si Christian is a close friend at matagal na silang magkakilala. She didn’t deny that she and Christian watched the Brad Pitt film, pero hindi naman daw sila sweet gaya ng mga napa-balita.

And mind you, Christian naman said daw in an interview that he’s not closing his doors on the possibility that his friendship with K would go to another level. Aba! Hindi naman masama because pareho silang single.

Dating kilala din daw ni Karylle si Echo. Meaning dati na silang magkaibigan kaya’t hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa. You go, girl! Ang ganda mo, haba ng hair.

Incidentally, we might be waiting to see K here in Puerto Princesa. Siya kasi ang napipisil na maging special guest din ng lungsod sa Love Affair with Nature na magaganap sa February 14. Bongga!

1688949089_c04c8b639c

Ben-Jen happy over new baby Seraphina

Nakakaloka ang pangalan ng bagong baby nina Ben Affleck at Jennifer Garner. Born on January 26 in the Year of the Ox, her name is Seraphina Elizabeth. Sabi sa OMG! Masayang-masaya ang doting dad and mom tandem na ito. While Jen stays at home to take care of the new baby, it’s Ben who picks up Violet, their eldest daughter, from school.

Nakuha daw ng dalawa ang pangalan from Seraphim, o iyong highest order ng mga angels. Inaasahan ng dalawa that both Violet and Seraphina will grow up to be good people. Sabagay nga naman. Sa America kasi ang mga bata, parang kailangan lagi ng pag-gabay ng magulang.

Congratulations na lang!

Greeting, wishes and good luck time!

Good luck sa aming kasama na si Leny Escaro na ngayon ay taga-DILG. May you have the most favorable ride in this new journey in your life.

Happy Foundation Day sa mga taga-Sofronio Espanola na mag-ce-celebrate sila ngayong January 18.

Lagi niyo pong ugaliin ang pakikinig sa Break Time kasama ko at si Ms. Janis Gordola every 10 a.m. to 11 a.m. sa DYPR.

Malapit na ang Valentine’s Day kaya advance Happy Valentines! Abangan ang Love Affair with Nature at lumahok kayo, ha?