By Ruth T. Rodriguez
IN LOVE na in love diumano ang mega-daughter na si KC Concepcion sa ganda ng mga beaches sa Calamianes Islands Group, lalo na sa bayan ng Coron, kung saan siya at si Richard Gutierrez ay nag-shooting ng bago nilang pelikula na When I Met U.
Pagbalik daw ni KC sa Maynila ay wala siyang ibang bukang-bibig sa mga kaibigan kung hindi ang subukang pumunta ng Palawan dahil sa sobrang ganda ng mga beach nito.
This is because KC is a beach person like her dad Gabby. She likes the beach so much that’s why parati siya sa Boracay. Ngayon daw ay may bago ng beach destination si KC at iyan ay ang Palawan.
Balitang-balita din na nag-enjoy ng husto sa Coron ang kanyang leading man na si Richard dahil sa maging ito ay sige rin ang pagyayaya sa mga kaibigan. My goodness, Coron palang iyan. Paano na kung sa El Nido siya nag-punta? Maloka kaya siya?
Ok na si Angel at Luis
All’s well that ends well. Finally, hindi na dapat mag-worry ang mga Luis-Angel fans dahil sa ok na ang kanilang mga idolo. Naayos na nina Angel at Luis ang kanilang hindi pagkakaunawaan matapos maka-balik ng mga ito mula sa pagbabakasyon sa Macau.
Angel clarified on PEP na walang third party na involved sa muntik ng pagkakadiskaril ng kanyang relationship with Luis. Ang bahay sa White Plains na napapabalitang iniregalo sa kanya ng isang benefactor na DOM ay kanyang pagod at hirap diumano at hindi nag-mula sa kung kanino man.
Para patunayan ito, inimbita pa niya ang mga press people na pumunta sa blessing ng kanyang bahay sa White Plains. Ay, bongga!
Para diumano hindi na putaktiin ng intriga ang kanilang relationship, both of them agreed na i-keep private ito para di maapektuhan.