By Ruth T. Rodriguez

Si Lovely Mae Acosta Orsino, nanalo bilang Miss Teen North America 2008. Ang kanyang ina na si Ellen Acosta Orsino ay taga-Palawan.
NAKA-CHIKA KAMAKAILAN ng inyong Stargazer ang isang pinay na nanalo bilang Miss Teen North America 2008 ng ito ay mag-balikbayan sa Puerto Princesa.
Nakakabilib ang achievements ni Lovely Mae Acosta Orsino, ang Miss Teen North America 2008. Dahil sa halos 4 years na siyang sumasali sa mga beauty pageant sa North America ay 43 crowns lang naman ang nakuha niya out of 47 pageants.
Bongga naman ang kababayan nating ito – tunay na BEAUTY AND BRAINS talaga. Ipinanganak si Lovely sa Hawaii at doon din siya lumaki. Parehong Pilipino ang mga magulang ni Lovely – si Benny Orsino ay mula sa Capas, Tarlac at si Ellen Acosta Orsino naman ay taga-Puerto Princesa.
Lovely is the youngest child at dalawa lang silang mag-kapatid. Kung si Lovely Mae ay humahatawa sa paghakot ng mga beauty titles, ang kanyang ate na si Elaine naman ay sa academics. Graduate ito bilang summa cum laude at ngayon ay masayang naninirahan sa Washington kasama ang kanyang asawa’t anak.
Fourteen years old lang si Lovely ng una siyang sumabak sa beauty pageant. Hindi naging hadlang ang pagiging baguhan niya para manalo ng titulong Miss Pink Sapphire Asia Pacific 2005, ang unang korona na kanyang napanalunan.
Mula noon ay sunod-sunod na beauty pageant na ang kanyang sinalihan, at kabilang nga dito ang koronang kanyang tangan ngayon ang Miss Teen North America 2008. Ang Coronation Night ay gaganapin sa Las Vegas, Nevada.
Short Chat with Rated K’s Korina Sanchez
Isang totally refreshing na umaga talaga ang maka-chikahan ng inyong Stargazer at entertainment radio talk show host ang award winning at respetadong journalist na si Ms. Korina Sanchez ng Rated K. Taliwas sa paniniwala ng marami, isang mabait at accommodating na Korina ang aking nakausap.

Si Korina Sanchez kasama ako at si DJ Reggie na co-host ko rin sa Breaktime. Very refreshing ang makapanayam ang sikat na host ng Rated K sa aming programa.
Ibinahagi niya ang kanyang mga experience at plano sa buhay bilang isang mamamahayag at bilang isang girlfriend ni Sen. Mar Roxas, at maging kung ano pa ang kanyang mga pangarap sa buhay at para sa bansang Pilipinas.
Siyempre, itinanong ko kung kelan siya ikakasal. Huh, isang tawa lamang ang kanyang isinagot dito.
Si Miss K ay nasa lungsod para isang magandang istorya at nakatakdang mamahagi ng tsinelas sa isang barangay sa Puerto Princesa.
Little Dreamer grand finalist Risie Mayo, bumisita sa Puerto
Finally, we would be laying our eyes on Palaweña Little Dreamer finalist ng Pinoy Dream Academy na si Risie Mayo.
Siya ay dumating sa lungsod dahil special guest siya sa 75th Anniversary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasama ang bandang Imago at Calla Lily. Isang free concert ang inihanda ng PCSO para sa mga taga-Puerto Princesa at ito ay naganap sa City Coliseum.
Pangalipay sa Baybay
Talaga namang we can truly feel the summer heat! Hindi pa ba obvious kung tayo ay pagpawisan na?
Punuan na ang mga resort at beaches ngayon sa lungsod at sa buong Palawan na ata. Puno din ng events dito at ang pinaka-inaabangan nga this month ay ang Pangalipay sa Baybay. Mas bongga this year ang Pangalipay, iba-iba ang mga gimiks: fire dancing, dansport, fashion show, songwriting competition, body painting – kaya kung ako sa inyo, enjoy pangalipay sa baybay!!!




































